Inihirit ng mga manufacturers ng canned sardines ang P3.00 na price adjustment sa kanilang produkto dahil sa pagtaas ng presyo ng diesel, paghina ng piso, at pagtaas ng presyo ng mga imported na lata na ginagamit sa paggawa ng mga lata.
Sinabi ni Canned Sardines Manufacturers Association of the Philippines executive director Francisco Buencamino na malugod na tinatanggap ng grupo ang pahayag ng Department of Trade and Industry (DTI) na maingat nilang sinusuri ang kahilingan ng ilang manufacturer ng canned goods at bread products para sa pagtaas ng presyo.
Nais ng mga canned manufacturers na taasan ang presyo sa kanilang mga produkto kasunod ng pagtaas ng presyo ng mga sangkap at raw materials na ginagamit sa kanilang produksyon.
Inihayag ni Buencamino na nasa P3.00 ang price increase na hinihingi ng mga manufacturers.
Nauna nang hinihiling ng Department of Trade and Industry sa mga canned manufacturers ang tama at makatwiran na presyo para sa ating mga mamimili.