Nakarating na sa Joint Area of Operations ng Western Command sa Palawan ang mga barkong pandigma ng Pilipinas at Estados Unidos para sa pinakamalaking Balikatan Exercises ng dalawang bansa.
Kabilang sa mga ito ay ang BRP Jose Rizal (FF150) na isa sa mga pinakabagong barko ng Philippine Navy, ang BRP Tarlac States vessel (LD601), at ang USS Makin Island na barkong pandigma naman na pag-aari ng Amerika.
Ang mga ito ay gagamitin ng mga tropa ng dalawang bansa sa gaganaping Amphibious Assault exercises na bahagi ng naturang joint military exercise ng Pilipinas at Amerika.
Nakatakdang magtipon ang tatlong barkong pandigma sa Dumaran Island sa Palawan para sa pagsasagawa ng communication exercises ngayon.
Pagkatapos ay didiretso naman ang mga ito sa Brooke’s Point, Palawan para sa isasagawang “amphibious raid” sa baybayin naman ng Brgy. Samariñana.