-- Advertisements --
image 426

Nakapasok na sa karagatang sakop Ng Pilipinas ang isang detachment ng mga barko ng Russian Pacific Fleet, ayon sa Interfax news agency ng Russia.

Sa ulat, sinasabing nakapasok na sa katimugang bahagi ng Philippine Sea ang naturang mga barko ng Russia upang magsagawa ng mga tasks bilang bahagi ng isang long-range sea passage nito.

Inaasahang magsasagawa ng maneuvers nang may kasamang demonstration ng kanilang naval presence sa Asia-Pacific Region ang mga tripulante ng nasabing barko bilang bahagi ng kanilang pagpapalakas pa sa pakikipag-partnerships sa iba pang mga bansa.

Samantala, sa ngayon ay wala pa ring mga karagdagang detalye hinggil dito habang sinabi naman ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar na hanggang sa mga oras na ito ay wala pa silang natatanggap na impormasyon ukol dito.

Matatandaang, una nang napabalitang nagpapalakas ng depensa ang Russia sa far-eastern regions hanggang sa mga border ng Asia-Pacific, na inakusahan naman ng US na nagpapalawak ito ng kanilang presensya na nagsasanhi naman sa pagtaas ng security concerns sa Japan at iba pang mga bansa sa Asia-Pacific region.