Hindi muna papayagan ng Japan na makapasok sa kanilang bansa ang mga non-resident foreign nationals kasabay ng kanilang paghihigpit matapos ang nadiskubreng mas nakahahawang uri ng coronavirus.
Sa isang pahayag, sinabi ng gobyerno na magsisimula ang ban sa Disyembre 28 at tatagal hanggang Enero.
Sa kabila nito, papayagan pa rin naman daw ang mga Japanese citizens at mga foreign residents na makapasok ngunit dapat may ipakita ang mga ito na negatibong coronavirus test 72 oras bago umalis patungong Japan.
Pagdating naman nila sa bansa ay dapat anilang sumailalim sa quarantine ang mga ito ng dalawang linggo.
Noong Biyernes ng iulat ng Japan na nakapasok na rin sa kanilang bansa ang bagong variant ng coronavirus na na-detect sa mga pasaherong galing Britain.
Nakita rin ang bagong strain sa isang lalaki at kaanak nitong bumisita sa United Kingdom.
Nangangamba naman ang mga local officials na baka tumaas lalo ang mga kaso sa Tokyo bunsod ng bagong strain. (Reuters)