-- Advertisements --

BAGUIO CITY – Nalutas na ang suliranin ng Baguio City sa reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) tests.

Maalalang inihayag ng lokal na pamahalaan na mayroong mahigit 2,600 na backlogs ang lungsod sa RT-PCR test mula Rehion Uno, Dos at sa Cordillera Administrative Region.

Gayunpaman, ipinagmalaki ni Dr. Ricardo Ruñez, medical officer ng Baguio General Hospital and Medical Center (BGHMC) na nalutas na ang problema sa mga backlog.

Dahil dito, kinomendahan ni Mayor Benjamin Magalong ang maayos na serbisyo ng BGHMC at iba pang mga pagamutan dahil sa matagumpay na paglutas sa RT-PCR test at sa mabilis na recovery rate sa mga pasyente ng COVID-19 dito sa lungsod.

Aniya, 24/7 na nagsasagawa ng test ang mga medical technologist ng Molecular Laboratory sa BGHMC.

Umaasa ang alkalde na mas lalo pang mapatibay ang kampanya ng lunsod ng Baguio laban sa COVID-19.