BUTUAN CITY – Nagkasagupa ang tropa sa 26th Infantry “Ever Onward” Battalion, Philippine Army at New People’s Army (NPA) sa bukiring bahagi sa Souther Kapagangan, Brgy Weguam, Esperanza, Agusan del Sur sa nakaraang mga araw.
Ayon kay Lt. Col. Romeo Jimenea, commanding officer sa 26th Infantry Battalion, maraming mga pinaniniwalaang NPA ang nakita sa nasabing lugar na nai-report kaagad ng concerned citizen dahilang inilunsad ang strike operation na humantong sa engkuwentro.
Ang nasabing bakbakan ay tumagal ng limang minuto na humantong sa pagkakumpiska ng isang AR18 assault rifle na may magazine at 14 na mga bala, isang KG9 pistol kasama ang magazine at limang mga bala, isang hand grenade at isang back pack na may personal na mga gamit at subersibong dokumento.
Dagdag pa ng opisyal, walang casualties sa panig sa gobyerno.
Habang hindi pa madetermina ang bilang sa kalaban matapos nakita ang mga mantsa ng dugo sa encounter site.
Base sa intelligence report, ang nakasagupang mga rebelde ay mga miyembro ng Sub Regional Committee Southland sa North Eastern Mindanao Regional Committee sa Communist Party of the Philippines’ (CPP) New People’s Army (NPA) na nagsasagawa ng recruitment at atrocities sa lugar.