-- Advertisements --

Hindi nagkukumpiyansa ang mga alkalde sa Metro Manila kahit na marami na sa populasyon sa lugar ang naturukan na ng COVID-19 vaccine.

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chair Benhur Abalos na mas lalo pang pinaigting ng mga alkalde sa lungsod ang kanilang pagpapabakuna.

Tiwala kasi ito na maaabot ng NCR na mabakunahan ang 86 percent ng populasyon pagdating ng Nobyembre 10.

Naging maganda aniya ang ipinatupad na granular lockdowns.

Magpupulong din ang mga alkalde ng lungsod at ipapalabas ang posibleng pagluwag ng alert level ng Metro Manila pagsapit ng Oktubre 15.

Iaanunsiyo din nila ang iisang polisiya sa Metro Manila na ipapatupad sa All Saints Day at All Souls Day.