Dismayado umano si AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez sa nangyaring anomalya sa V. Luna Medical Center at AFP Health Service Command.

Matatandaang sinibak ni Pangulong Rodrigo Duterte sina B/Gen. Edwin Leo Torrelavega, commander ng AFPHSC (Armed Forces of the Philippines Health Service Command); Col. Antonio Punzalan, commander ng V. Luna Medical Center; mga chiefs of Management and Fiscal Office (MFO); at Logistics Office (OHC).

Ayon kay Galvez, sang-ayon sa utos ng commander-in-chief ay kanya nang ipinag-utos ang pagsailalim sa court martial sa mga sangkot na opisyal kasama ang 20 iba pa.

Tumanggi naman si Galvez pangalanan ang iba pang sangkot dahil gugulong na umano ang military trial kontra sa mga sangkot.

Ibinunyag naman ni AFP Chief na ang nasabing anomalya ay resulta ng dalawang magkaibang fact-finding investigation na sinimulan pa noong buwan ng Mayo at ang resulta ay ipinaalam sa pangulo nitong nakaraang Martes sa ginanap na command conference.

Paliwanag ni Galvez, ang anomalya sa AFP Health Service at V. Luna Hospital ay isang “systemic corruption” na ang ibig sabihin ay “very flawed” na ang sistema.

Kasabay nito, magpapatupad ng major revamp ang hepe ng militar sa nasabing unit.

Sinabi ni Galvez na isang buwan umano ang hiniling niya kay Pangulong Duterte upang ayusin ang problema.

Pangungunahan ni AFP Inspector-General, Lt. Gen. Rafael Valencia ang isasagawang imbestigasyon.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here