Hindi pinaporma ng top NBA team na Oklahoma City Thunder ang Memphis Grizzlies sa unang harapan ng dalawa para sa 7-game series sa ilalim ng 1st round elimination ng 2025 Playoffs.
Sa pagharap ng dalawa ngayong araw (April 21), ipinakita ng Thunder ang pagiging top team at dinuma kaagad ang unang quarter matapos tambakan ng 12 points ang kalaban, 32 – 20.
Sa pagtatapos ng 2nd quarter ay hawak na ng OKC ang 32 points na kalamangan.
Komportableng pumasok ang Thunder sa ikatlong quarter at lalo pang dinagdagan ang deficit ng 17 points hanggang sa tuluyang matapos ang matchup sa score na 131 – 80, pabor sa Oklahoma.
Hindi nahabol ng Memphis ang 50.5 overall shooting percentage ng Thunder, kasama ang magandang depensa.
Nagawa rin ng OKC na magpasok ng 17 3-pointers sa kabuuan habang tanging anim na tres lamang ang naipasok ng Memphis mula sa kabuuang 34 3-pointers na pinakawalan. Ito ay katumbas lamang ng 17.6 ns 3-point percentage.
Maliban sa tres, dinumina rin ng OKC ang paint area at nagpasok dito ng 60 points habang tanging 48 lamang ang nagawa ng Memphis sa kabuuan ng laban.
Dahil sa panalo, hawak ng top sed ang 1 – 0 na kalamangan laban sa No. 8 seed habang muling gaganapin ang ikalawang laban sa Oklahoma, ang homecourt ng Thunder.
Samantala, malamiya ang naging opensa ng Grizzlies at tanging si Ja Morant lamang ang gumawa ng double-digit score mula sa limang starter ng koponan.