-- Advertisements --
DoT Sec Puyat
DoT Sec Bernadette Puyat/ FB photo

Looking forward daw ngayon ng Department of Tourism (DoT) sa ilang mga major events sa katapusan ng taon para makabawi ang bansa sa turismo.

Kasabay ito ng pagluluwag ng Department of Tourism (DoT) ang pagsasagawa ng mga Meetings, Incentives, Conventions at Exhibitions (MICE) sa mga areas na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo Puyat, papayagan na kasi ang 50-percent seating capacity sa mga event venue.

Base na rin ito sa Administrative Order 2020-003 na inilabas ngayong linggo.

Kasamara rin ang MICE events sa iba pang nasa community quarantine areas pero sa pamamagitan lamang ng online platforms.

Sinabi ni Puyat na ang pagluluwag na kanilang isasagawa ay para na rin sa pagpapalakas sa local economy, makapag-generate ng trabaho para direktang makinabang ang tourism entrepreneurs.

Sa naturang guidelines, pagbabawalang makadalo sa MICE ang mga indibidwal na mas bata sa 21 years old at mas matanda naman sa 60 years old.

Umaasa si Puyat na sa mga susunod na buwan ay papayagan pa ng Inter Agency Task Force (IATF) ang ilan pang malalaking events sa bansa dahil sa lockdown dulot ng coronavirus pandemic.

Dagdag ni Puyat, nagpahayag na rin sa kanila ang SMX Convention Center (SMXCC) isa sa mga leading convention facilities sa bansa ng suporta sa MICE events.

“We are looking forward to a few major events in the last quarter of the year. The MICE industry is in anticipation of the green light from the relevant authorities and the appropriate lifting of quarantine status to hold these events. A significant decline can be seen from social gatherings, but most major business events are still hopeful that they can push through before the year ends,” ani Puyat.

 Siniguro pa rin naman ni Puyat na ligtas ang mga stakeholders sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa pamamagitan ng pagsunod sa mga protocol.