-- Advertisements --

NAGA CITY- Pinagbabaril-patay ang isang meat vendor sa Barangay Mamala 2, Sariaya, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Rhovell Palacio, 26-anyos, residente ng Barangay Janagdong 1, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang nakatayo ang biktima sa harap ng kaniyang meat shop nang lapitan ito ng hindi pa nakikilang suspek at bigla na lamang tinutukutan at pinaputukan ang ulo ng biktima.

Dahil sa pangyayari, bumulagta si Palacio at dito na tuluyang binawian ng buhay.

Samantala, narekober sa lugar ang isang pirasong fired bullet, isang fired cartridge case, isang magazine laman ang anim na live ammunition ng caliber 45 na baril.

-- Advertisement --

Sa ngayon, patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.