Tiwala ang kampo ni UFC star Conor McGregor na nasa magandang kondisyon ito sa muling pagbabalik niya sa octagon laban kay Donald Cerrone.

Sinabi ng kaniyang coach na si John Kavanagh, na sa simula pa lang ng Enero ay nagsagawa na sila ng matinding sparring session.

Ito na aniya ang pinakamagandang kondisyon ng dating UFC featherweight at lighweight world champion.

Huling lumaban ang Irish fighter noong Oktubre 2018 ng talunin siya ni Khabib Nurmagomedov.

Gaganapin ang laban ni McGregor kay Cerrone sa darating na Enero 19 sa T-Mobile Arena, Las Vegas, Nevada.