Nagpahiwatig si Conor McGregor sa muling pagbabalik niya sa octagon.

Sa kaniyang Twitter sinabi nito na nag-move on na ito subalit may ilang mga fans ang namimilit na huwag muna itong magretiro.

Nauna rito, inanunsiyo ng Irish Mixed Martial Arts fighter noong March 25 na ito ay tuluyan nang magreretiro.

Kinontra naman ito ni UFC President Dana White na gumigimik lamang si McGregor para makakuha ng malaking kalaban.

Hindi lamang ito ang unang beses na nagretiro ang 30-anyos na si McGregor dahil ginawa na niya noong 2016 at ito ay lumalaban muli.

Ilan sa mga nakalaban nito ay sina Nate Diaz, Eddie Alvarez at Khabib Nurmagomedov ganoon din ang pagharap niya kay Floyd Mayweather Jr noong 2017.