Reading Time: 1 minute
Nate and Conor
Nate and Conor/ IG post

Hinamon ni Conor McGregor si Nate Diaz na handa niya itong harapin sa ikatlong pagkakataon.

Sa kaniyang socila media sinabi ng Irish fighter na nakahanda na ito sa laban.

Nitong Martes kasi ay ang ikatlong taon ng McGregor vs. Diaz II.

Nagwagi si McGregor sa pamamagitan ng split decision sa UFC 202 noong 2016.

Mula noong nakaraang Oktubre ay hindi na lumaban pa si McGregor matapos na ito ay talunin ni Khabib Nurmagomedov sa UFC 229.