Reading Time: 1 minute
Floyd
Floyd Mayweather / IG photo

Handang hawakan ni Floyd Mayweather kung seryosohin ni Justin Bieber ang laban kay Tom Cruise.

Ito ay kasunod nang nagaganap na pag-uusap para sa pagharap ng 25-anyos na singer sa 57-anyos na beteranong actor.

Sinabi ng US boxing champion, bilang isang boxing promoter ay handa itong i-promote ang nasabing laban ng dalawa.

Maging si UFC President Dana White ay nagpahayag ng interes na matuloy ang laban at sinabing ito na ang pinakamalaking laban sa kasaysayan ng UFC.

Magugunitang inanunsiyo ng Canadian pop star na nais niyang makaharap ang beteranong actor.