-- Advertisements --
4 ESTABLISHMENTS MANILA

Hiniling na rin ni Manila Mayor Isko Moreno na pumasok na ang National Bureau of Investigastion (NBI) sa imbestigasyon sa maling label at pagtawag ng China sa Maynila na probinsiya ng China sa isang Chinese hair products.

Sinabi ng alkalde na nais na rin niyang imbestigahan ang umano’y operasyon ng Elegant Fumes Breauty Products Inc., (EFPBI), ang kumpanyang nasa likod ng nadiskubreng mga cosmetic products na may business address sa Sto. Cristo Street, San Nicolas Maynila pero probinsiya umano ng China. 

Ani Moreno, nais niyang panagutin ang nasa likod ng pagpapakalat sa merkado ng naturang produkto na mali ang labeling.

Hayagan daw kasi itong pag-atake sa soberanya ng Pilipinas at pang-iinsulto na rin sa mga nasa kapangyarihan.

“We are requesting that an investigation be conducted on the business operations of EFPBI and if warranted, cause the filing of criminal complaints against the corporation and its officers and/or incorporation,” ani Moreno.

Ayon kay Moreno, ang maling labeling ay malinaw na paglabag sa Consumer Act of the Philippines gayundin sa Food and Drug Administration (FDA) Act of 2009.

Maliban dito, wala rin daw kaukulang permit sa pagbebenta ng naturang establisimento sa kanilang mga produkto online.

”We are requesting that deportation proceedings be initiated against Shi Zhong Xing and Shi Li Li. We are willing to submit relevant documents that may be used in the said proceedings,” dagdag ni Moreno.

Nakilala ang nasabing mga Chinese na sina Shi Zong Xing at Shi Li Li na hindi naman naaresto sa isinagawang operasyon kahapon sa Maynila.