CAGAYAN DE ORO CITY – Hindi nagpahuli ng buhay ng mga pulisya ang itinurong prime suspect sa pag-ambush sa convoy ni Masiu Mayor Nasser Pangandaman Jr noong Nobyembre 2019 sa may Saguiran,Lanao del Sur.

Ito’y matapos nanlaban sa operasyon ng mga otoridad ang suspek na si Jalaloding Moscir alyas Laluwa.

Si Moscir ay may warrant of arrest dahil sa kasong pagpatay kay Safra Macabantog Pangandaman sa Marawi City noong Enero 2017.

Napilitan ang mga pulis ng Lanao del Sur na e-neutralize ang suspek matapos itong nagpaputok ng kaniyang baril habang isinilbi ang warrant of arrest nito.

Napag-alaman na si Moscir ay kilalang sangkot sa mga kasong pagpatay sa nasabing probinsya at may koneksyon sa terror group Dawlah Islamiya-Maute na pinapangunahan ni Osoph Hadji Nasif o Commander Asrap sa Lanao del Sur.

-- Advertisement --