-- Advertisements --

Naniniwala si Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzalez na ang mataas na rating na nakuha ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay patunay umano na nasa mabuting kamay ang Kamara de Representantes, sa kabila ng walang tigil na mga atake sa pulitika at pagkalat ng fake news.

Batay sa isang survey Abril 2025, nakakuha si Speaker Romualdez ng 54 porsyentong trust rating sa buong bansa, bilang patunay ng kanyang matatag na pamumuno sa gitna ng magulong pulitika.

Dagdag pa niya, ang patuloy na tiwala ng taumbayan kay Speaker Romualdez ay sumasalamin sa lakas at pokus ng House of Representatives sa ilalim ng kanyang pamumuno.

Batay sa survey na isinagawa mula Abril 2 hanggang 5, nananatiling matatag ang trust ratings ni Speaker Romualdez sa buong bansa, na may pinakamataas sa Visayas na 64 porsyento, at 61 porsyento sa mga Pilipinong kabilang sa Class E.

Binigyang-diin ni Gonzales na ang pamumuno ni Speaker Romualdez ay nagsisilbing matibay na haligi, hindi lamang ng Kamara kundi ng buong bansa.