CENTRAL MINDANAO- Naaresto ng mga otoridad ang isang opisyal ng New Peoples Army (NPA) sa Kidapawan City.

Nakilala ang suspek na si Mindaley Satentes, 54 anyos,may asawa at residente ng Midsayap North Cotabato.

Nahuli si Satentes ng mga tauhan ng intelligence unit ng 72nd Infantry Battalion Pphilippine Army at Kidapawan City PNP habang papalabas ito ng Methodist Center.

Si Satentes ay kilala bilang Commander Karla na kumikilos sa Kidapawan City at probinsya ng Cotabato sa ilalim ng Guerill Front Committee 53.

Sa ngayon ay nasa kostudiya ng Kidapawan City PNP si Kumander Karla at patuloy na iniimbestigahan.