CENTRAL MINDANAO – Isang high ranking official ng New People’s Army (NPA) ang naaresto ng mga otoridad sa lalawigan ng Sultan Kudarat.
Nakilala ang suspek na si Leon Tabata Tacdoro, 62, may asawa at residente ng Barangay Keytodac, Lebak, Sultan Kudarat.
Hinuli si Tacdoro ng pinagsanib na pwersa ng pulisya at militar sa kanyang bahay.
Ang suspek ay wanted sa mga kasong kidnapping and serious illegal detention, robbery with violence or against intimidation of persons, murder, at nine counts of frustrated murder.
Si Tacdoro ay dating residente ng Tulunan, North Cotabato at lider umano ng Regional Peasant Bureau, Far South Mindanao Regional Command ng NPA.
Nakuha ng mga otoridad sa posisyon ng suspek ang isang kalibre .45 na pistola, homemade shotgun, dalawang granada at iba pang mga ebidensya.