Hinihingi umano ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mas malaking surveillance budget sa taong 2023 kumpara naman sa pondo na hinhingi nitong taon ng nakaraang Duterte administration.
ito ang lumabas sa isinumiteng 2023 National Expenditure Program sa kamara kug saan nagpapapakita na ang Marcos administration sa taong 2023 ay magbibigay ng alokasyon ng P4.957 billion sa intelligence funds at nasa P4.332 billion naman sa confidential funds.
Sa kabuuan meron itong P9.29 billion na nais ipaapruba.
Batay sa paliwanag ng General Provision ang intelligence expenses daw ay may kinalaman sa mga bagay na nauukol sa intelligence information gathering activities ng mga uniformed at military personnel at merong direktang impact sa national security.
Habang ang confidential expenses naman ay nauukol sa mga surveillance activities ng mga civilian government agencies na merong mandato na suportahan ang operations ng mga ahensiya.
Nakapaloob din sa probisyon na walang intelligence fund ang ilalabas o gagamitin sa intelligence activities, kabilang ang ang magmumula sa mga savings, nang walang pag-apruba sa mismong presidente ng Pilipinas.
Lumalabas din sa inihaing budget na ang Office of the President ay humihiling ng P2.25 billion sa intelligence funds at Confidential Funds na umaabot sa P2.25 billion.
Kaugnay nito agad namang pinuna ni House Deputy Minority Leader Rep. France Castro ang nakakalulang presidential pork na mas malaki pa sa alokasyon daw ng pondo na inilaan sa programa sa kalusugan at edukasyon.