Pormal ng nagbukas ang taunang Marine Exercise 2022 Philippines (MAREX 2022 PH).
Mismong si Philippine Marines Commandandt MGen. Ariel Caculitan ang nanguna sa isinagawang opening ceremoning na isinagawa sa Marine Corps Force Development Center, Feliciano Hall, MBRB, Taguig City.
Sa mensahe ni MGen. Caculitan, lubos itong nagpapasalamat mga exercise planners mula sa Philippine Marines at United States Marine Corps para maging posible ang nasabing joint military exercise.
Dumalo din sa nasabing event via zoom si 2nd Marine Brigade at Joint Task Force Tawi-Tawi Commander BGen. Romeo Racadio at Col. Nestor Narag, Deputy Brigade Commander, 2MBde, at designated Commander ng Marine Ready Group (MRG) Tawi-Tawi kasama nito ang kaniyang USMC counterpart na si Cpt. Benette Guillory.
Ang MAREX 22 PH ay isang combined PH-US Marine Force bilateral exercise na naka pokus sa capability development for Amphibious Operation lalo na sa Counter-Terrorism, Internal Security Operations, at Humanitarian Assistance/Disaster Response (HADR) operations.
Layon din ng nasabing exercise na palakasin pa ng dalawang bansa ang kanilang readiness sa pag responde sa krisis, makapag develope ng interoperability and standardize tactics, techniques and procedures through Subject Matter Expert Exchanges (SMEE) at joint mission planning.
Ang nasabing ehersisyo ay simultaneous na gagawin sa iba pang lugar gaya ng Western Command (WESCOM) sa Palawan, Western Mindanao Command (WESMINCOM) Joint Area of Operations (JAO), partikular sa areas of responsibility ng 2MBDe na siyang nakakasakop sa probinsiya ng Tawi-Tawi.
Ang nasabing joint military exercise ay nagsimula nuong January 27,2022 at magtatapos ito sa February 3,2022.