-- Advertisements --
Bumuo ng fact-finding team si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla sa nangyaring pagguho ng siyam na palapag na gusali sa Angeles City, Pampanga.
Ayon sa Kalihim, na pangungunahan ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang nasaabing imbestigasyon.
Una ng sinabi ni Remulla na kanilang tiitngnan mabuti kung sino ang maaaring mayroong pagkukulang sa nasabing insidente.
Magugunitang umabot na sa apat na bangkay ang natagpuan habang mayroong 18 iba pa ang naiulat na nawawala sa matapos ang pagguho ng gusali nitong madaling araw ng Linggo.















