-- Advertisements --

Literal na napatili ang American diva na si Mariah Carey matapos na turukan ng COVID-19 vaccine.

Sa kaniyang social media ibinahagi nito ang first dose ng pagtuturok sa kaniya ng bakuna sa New York City.

Makikita sa video na habang itinuturok ang bakuna ay napatili ito.

Matapos ang pagpapabakuna ay hinikayat nito ang mga mamamayan na magpaturok na ng COVID-19 vaccine para malayo sa anumang sakit.

Sumikat ang singer sa mga kantang mayroong matataas na tono, “Always Be My Baby,” “Hero,” “My All” at maraming iba pa.