marcus smart NBA

Inamin ng Boston Celtics guard na si Marcus Smart na pati siya ay nagpositibo rin sa COVID-19.

Liban sa kanya, may dalawa pang Los Angeles Lakers players ang nahawaan din.

Gayunman tumanggi ang Lakers team na pangalanan kung sino sa team ang nadamay.

Sa social media post ni Smart, 26, nilinaw nito na sa ngayon wala naman siyang nararamdamang sintoma ng virus at sa katunayan maganda rin ang kanyang pakiramdam.

Nanawagan din siya na pairalin talaga ang social distancing at palagiang maghugas ng kamay.

“But I can’t stress enough practicing social distancing and really keeping yourself away from a large group of people and just really washing your hands and help protect yourself,” ani Smart. “And help protect others by protecting yourself.”

Samantala sa ngayon nasa kabuuang 14 na ang dinapuan ng COVID sa liga.

Kabilang sa mga ito ay sina Rudy Gobert at Donovan Mitchell ng Utah Jazz, Christian Wood ng Detroit Pistons, si Kevin Durant at tatlo pang mga Nets players, Smart ng Celtics, isang miyembro ng Denver Nuggets organization, tatlo na bahagi ng Philadelphia 76ers organization at ang dalaw mula sa Lakers team.

Sa kabilang dako, nag-post din sa social media si LeBron James at sinundad ng video nila ng misis na si Savannah habang nagwo-work out sila sa kanilang home gym.

Meron rin itong kasamang hashtag na #RONACHRONICLES.