Ginarantiya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr na kasabay ng pagpapatuloy sa ginagawang konstruksyon ng Metro Manila Subway project ay pagbubukas ng maraming oportunidad para sa pagnenegosyo.
Sa groundbreaking ceremony ng Ortigas and Shaw Boulevard stations ng Metro Manila Subway project, inihayag ng Pangulo na kaakibat ng proyekto ay ang dagdag economic activities na aniya’y magpapasigla sa ekonomiya.
Inihayag pa ng presidente na hindi nagtatapos sa nasabing proyekto ang intensiyon ng gobyerno para mapagaan pang lalo ang pagbiyahe ng mga Pilipino at sa halip, marami pang mga ambisyong proyekto ang kanilang inilinya sa ilalim ng “Build, Better, More.”
Layunin nito na maibigay ang kaginhawahan sa paglalakbay ng mga mananakay at maialis ang mga ito sa tindi ng kalbaryong dulot ng mahabang pila ng trapik.
Panawagan lang ng chief executive na kailangan ding pagtiyagaan ang tagal ng gagawing konstruksyon ng subway project.
Pero ang dapat na lamang tingnan dito ay ang resulta ng nasabing proyekto.