Mayorya o 84% ng Pilipino ang naniniwala na dapat makipag-alyansa ang Marcos administration sa Amerika para palakasin ang security cooperation para depensahan ang ating soberanya sa West Philippine Sea.
Lumalabas din sa survey na nasa 52% ng mga Pilipino ay naniniwala na dapat makipag-alyansa ang gobyerno ng Pilipinas sa Japan, 25% sa Australia, 24% sa United Kingdom, 23% sa South Korea, 20% sa China at Europen union, 17% sa Russia , 12% sa France at 2% ng mga Pilipino ang nagsabing sang-ayon sila na makipagtrabaho ang pamahalaan sa India.
Sinabi naman ni Stratbase President Prof. Dindo Manhit na nagpapakita lamang ito na dapat ipagpatuloy ng Pilipinas ang pakikipag-alyansa ito sa dati na nitong mga kaalyado upang matugunan ang mga isyu at insidente sa may West Philippine Sea.
Saad pa nito na ang pakikipag-tulungan ng Pilipinas sa mga bansa na may kaparehong pananaw gaya ng Amerika, Australia at Japan at pagpapalakas pa ng ugnayan sa strategic partnerships ay nagpapatibay sa pagkapanalo ng Pilipinas sa 2016 Arbitral ruling maging sa seguridad at stability sa rehiyon.
Ang resulta ng naturang survey ay isinagawa noong nakalipas na Nobiyembre 27 hanggang Disyembre 1 ng 2022.