Pinabulaanan ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan na mayroong gumagalang ‘serial killer’ sa kanilang lungsod.
Kasabay nito ay iniharap niya sa publiko ang gunman na usap-usapn na Tondo “Serial Killing” case.
Kinilala ang suspek na si ay-Jay Martelino alias “Pusod” na naaresto ng Raxabago Police Station na pinamumunuan ni PLtCol. Rosalino Ibay Jr haban ang kasamahan ng suspek na si alyas “Ivan” ay nananatiling at-large.
Ayon sa alkalde na ang isang Joel Justiniani alias “Joel Blandy”, na siyang nasa wanted poster na kumakalat sa internet ay inosente base na rin sa mga witnesses.
Hinikayat ng alkalde ang kaniyang kababayan na huwag agad magpaniwala sa mga nakikita sa social media at maging mapanuri ang mga ito.
Pagtitiyak nito na nakaalerto lagi ang kapulisan sa Maynila para matiyak ang kaayusan ng mga residente doon.