-- Advertisements --

Pinatawan ng 60 araw na suspension si Manila City Councilor Ryan Ponce dahil sa reklamong sexual harrasment ng kapwa konsehal.

Kinumpirma ni Manila City Vice Mayor Chi Atienza ang suspension ni Ponce matapos ang ginawang pagdinig sa Ethics Committee ng Sangguniang Panglungsod ng Maynila.

Dagdag pa nito na kahit na humingi na ng paumanhin ay kailangan pa rin nitong panagutin ang kaniyang ginawang pambabastos kay councilor Eunice Castro.

Magiging epektibo lamang ang suspension 15-araw matapos na matanggap ni Ponce ang kautusan.

Bukod pa sa suspensiyon ay magsasagwa rin ng re-organization ang lahat ng komite kung saan miyembro si Ponce.

Magugunitang ibinunyag ni Castro ang ginawang pambabastos ni Ponce sa paghawak ng kamay ganun din sa mga text messages nito.