-- Advertisements --

Inihayag ng transport group na MANIBELA na magsasagawa sila ng tatlong araw na nationwide tigil-pasada mula Disyembre 9 hanggang 11 bilang protesta sa umano’y mataas na penalties at mabagal na pagproseso ng dokumento ng gobyerno.

Ayon kay MANIBELA chairperson Mar Valbuena, sasama rito ang iba’t ibang transport groups at maaaring pang palawigin ang protesta depende sa tugon ng mga awtoridad.

Ipinahayag rin ng grupo ang kanilang pangamba sa patuloy na paghingi ng provisional authority para sa mga hindi pa naka-consolidate na PUV drivers at operators, na anila’y nagpapahirap lalo sa kanilang hanapbuhay.

Kaugnay nito, binatikos din ng MANIBELA ang mga umano’y pagkaantala sa pagpaparehistro ng mga sasakyang saklaw ng Public Transport Modernization Program (PTMP), na layong palitan ang lumang jeepney ng mga Euro 4-compliant units.

Umaabot kasi sa mahigit P2 million ang halaga ng isang modern jeepney na itinuturing na masyadog mahal maging ng LandBank at DBP.