Naglunsad na ng manhunt operations ang pulisya laban sa Communist Terrorists Group (CTGs) na nanambang sa mga pulis kung saan lima ang nasawi habang dalawa ang sugatan.
Ipinag-utos na ni PNP OIC Lt.Gen. Guillermo Eleazar ang manhunt operations laban sa mga NPA.
Inatasan ni Eleazar sina PRO-4A Regional Police Director BGen. Felipe Natividad at PRO-5 Regional Police Director BGen. Bartolome Bustamante na makipag-ugnayan sa kanilang AFP counterpart para sa ikakasang hot pursuit operations laban sa NPA.
Sinabi ni Eleazar na ang ginawang pag-ambush ng NPA sa mga sundalo, patunay lamang ito na wala talagang balak ang communist movement na magkaroon ng pangmatagalang kapayapaan sa bansa.
Mariing kinondena ni Eleazar ang pag ambush sa mga pulis, nagpa-abot din ito ng pakikiramay sa mga pamilya ng nasawing pulis.
“Clearly, these people do not understand the language of peace so will deal with them in a manner that they fully understand our message that we shall never tolerate this kind of terrorism activity,” pahayag ni Eleazar.
Siniguro naman ni Eleazar na lahat ng tulong ibibigay ng PNP sa mga pamilya ng nasawing pulis.
Hindi muna pinangalanan ng PNP ang limang nasawing pulis dahil hindi pa naimpormahan ang mga pamilya nito.
Biyernes ng gabi ng tambangan ng NPA ang pitong miyembro ng 2PFMC sa Barangay Dumagmang sa bayan ng Labo na nagresulta ng tatlong oras na sagupaan.
” These five young men held their ground and died with their boots on while protecting the barrio against communist terrorists. They deserve all due recognition and honors for their heroism,” wika ni Eleazar.