-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay na ng matagpuan ang isang mangingisda habang nagpapalutang-lutang sa karagatan na sakop ng Barangay Luklukan Sur, sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.

Kinilala ang biktima na si “Reyel”, 39-anyos, isang mangingisda at residente ng nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), napag-alaman na nasa impluwensya ng alak ang biktima ng ito ay pumalaot upang manghuli ng isda.

Ngunit makalipas ang ilang oras hindi na umano nito nagawa pang makauwi.

Base sa imbestigasyon, sinubukan pa umano itong hanapin ng mga Barangay Officials ng nasabing lugar ngunit bigo itong mahanap dahil sa malakas na alon.

Ngunit sumunod na araw ng matapuan na ang biktima ng kapwa nito mangingisda.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad habang hinihintay parin ng mga otoridad ang resulta ng isinagawang Post Mortem Examination/Autopsy upang malaman ang tunay na dahilan ng nasabing insidente.