-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Patay ang isang laborer sa pamamaril sa bayan ng Midsayap Cotabato.

Nakilala ang biktima na si Giovannie Cariaga,21 anyos at residente ng Brgy Bual Sur Midsayap North Cotabato.

Ayon sa ulat ng pulisya,naglalakad lamang ang biktima sa Brgy Poblacion 1 Midsayap Cotabato ng bigla itong pagbabarilin ng riding in tandem suspects gamit ang kalibre.45 na pistola.

Mabilis namang tumakas ang mga suspek na pawang naka-bonnet sakay ng motorsiklo.

Patay on the spot ang biktima nang magtamo ng limang tama ng bala sa ibat-ibang parte ng kanyang katawan.

Matatandaan na noong nakalipas na buwan ay binaril ang biktima ngunit nakaligtas.

Sa ngayon ay blangko pa ang mga otoridad sa motibo sa pamamaslang sa biktima at patuloy pa silang nag-iimbestiga.