Walang nakikitang problema si Deputy Majority leader Neptali Gonzales sa pahayag ng Pangulong Ferdinand Marcos jr sa posibleng pagsasabay ng plebisito para sa economic charter change sa 2025 mid-term elections.
Sa isang ambush interview sa Villamor Air Base sinabi ng Pangulo na isa ito sa inaaral ngayon dahil sa practicality.
Malaki kasi ang gagastusin kapag magsagawa ng plebisito kaya nais nito na pagsabayin na ito sa midterm elections.
Inihayag din ng Presidente na maaari kasing makagulo sa paghahanda ng poll-body sa mid-term elections ang plebisito.
Inihayag ni Rep. Gonzales, na totoo naman na walang magiging dagdag na gastos kung pagsasabayin ang plebisito sa midterm polls.
Gayunaman sinabi ng Kongresista sa panig ng Kamara nananatili ang kanilang target na matapos ang pagtalakay sa economic cha-cha bago ang Holy Week break.
Binigyang-diin ng beteranong mambabatas na dapat maaprubahan ng Kamara at Senado ang resolusyon at maipadala sa COMELEC sa Nobyembre o Disyembre.
Batay kasi aniya sa Saligang Batas, oras na matanggap ng poll body ang panukalang amyenda ay kailangan itong magdaos ng plebesito na hindi mas maaga sa animnapung araw at hindi lalagpas ng 90 araw.
Sakali naman aniyang maaga matapos ang pagtalakay ng dalawang kapulungan sa economic cha-cha ay maaari aniyang i-adjust na lang ang pagsusumite nito sa COMELEC upang sumakto sa mid-term elections.