-- Advertisements --

Hindi pinalagpas ng tinaguriang Green senator na si Janet Rice ang pagbibigay ng talumpati ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Australian Parliament para maglabas ng kaniyang protesta.

Sa gitna ng pagsasalita ng Pangulo ng Pilipinas, biglang naglabas ng plakard ang naturang mambabatas upang kundinahin ang umano’y mga paglabag sa karapatang pantao sa Pilipinas.

Nakasaad sa mensahe nito ang mga katagang “Stop the human rights abuses.”

Pero hindi naman ito ikinatuwa ng ilang miyembro ng parliament at tinawag nilang “disgrace” ang hakbang na iyon ni Senator Rice.

Kaugnay nito, mabilis na kumilos ang attendant at inalalayan na lamang palabas ng chamber ang naturang mambabatas.

Nabatid na noong 2022 federal election, ang Greens na kinabibilangan ni Rice ang itinuturing na third largest political party sa Australia.