Nasusunog ngayon ang bahagi ng condominium building na Legaspi Tower sa panulukan ng P. Ocampo St. at Roxas Blvd. sa Malate, Manila.

Nakataas na ang third alarm at patuloy na inaapula ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang apoy.

-- Advertisement --

Inaalam na rin ang sanhi ng insidente at kung gaano kalawak ang inabot ng pagsiklab ng apoy.

Pinaalis naman ang mga residente ng nasabing gusali, upang mailayo sila sa panganib.