-- Advertisements --

Siniguro ni incoming Manila Mayor Isko Moreno na kanyang sisibakin sa pwesto ang mga opisyal at empleyado ng City Hall na mapapatunayang sangkot sa korapsyon.

Ito ang babala ni Moreno sa sandaling pormal na itong umupo bilang alkalde ng Maynila sa June 30.

Nangako si Moreno na kanyang sisimulan muli ang reporma sa kanilang lokal na pamahalaan.

Nilinaw rin nito na hindi ito paghihiganti sa kanyang mga nakalaban sa pulitika ngunit kailangan lamang aniyang matanggal ang mga opisyal na hindi naging epektibo sa kanilang trabaho.

Nabatid na ilan sa mga department heads at bureau chiefs ay naghahanda nang bumaba sa kanilang posisyon.

Mananatili naman sa pwesto ang mga opisyal na tapat at mahusay anuman ang kanilang naging partisipasyon sa nagdaang administrasyon.

Muling tiniyak na Moreno na muling magbabalik ang malinis na Maynila at tapat na pamamahala.