-- Advertisements --
Nakaranas ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente ang malaking bahagi ng United Kingdom.
Nagkaroon ng aberya ang mga power operators sa South Eas, Midlands, South West at Wales.
Dahil dito ay maraming mga kabahayan at maging ang transportasyon ay naapektuhan.
Hindi naman naapektuhan ang malaking paliparan sa Gatwick, Heathrow at Luton.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinakasanhi ng malawakang kawalan ng suplay ng kuryente at naibalik naman ito pagkatapos ng isang oras.