Asahang uulanin ang malaking bahagi ng bansa ngayong Linggo, Enero 26, bunsod ng easterlies.

Ayon sa PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), makakaranas ng maulap na kalangitan na may kasamang kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Cagayan Valley, Bicol Region, Caraga, Aurora, Quezon, at Samar Provinces.

Posible ring magkaroon ng flash floods o landslides sa mga lugar na ito sa oras na bumuhos ang malakas ang ulan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay makakaranas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may kasamang isolated rainshowers o thunderstorms.

Dagdag pa ng PAGASA state weather bureau na maaaring magkaroon ng flash floods o landslides sa naturang mga lugar sa oras na magkaroon ng severe thunderstorms.