-- Advertisements --

Tinawag na fake news ng Palasyo ng Malakanyang ang napaulat  na may P1.7 trilyong pisong nawala sa Philippine Stock Market dahil sa mga isyu ng korapsyon sa bansa. 

Ayon kay Special Assistant to the President for Investment and Economic Afffairs Secretary Frederick Go na nagkausap sila ni SEC Chairman Francis Lim at kinumpirma mismo nito sa kaniya na biktima si Lim ng fake news sa social media.

Naglabas kasi si Lim ng isang pahayag at binanggit nito ang P1.7 trilyong pisong pagkalugi umano ng bansa sa stock market, na kaniya palang ibinase sa nabasa lamang sa social media post. 

Paliwanag ni Go, na hindi 12% ang nawala sa shares index sa bansa mula aug 11 hanggang 29  kundi 1.5% lamang. 

Ayon kay Go, madali naman aniya itong maverify at alam ito ng lahat ng  nasa financial market.

Hindi naniniwala si Go na may nawalang investment pledges sa bansa, o may mga investor na umatras sa pamumuhunan.

Sa katunayan patuloy silang naglalagak ng puhunan  sa bansa.

Inamin naman ni Go na mayroon aniyang ilan sa mga investor ang napapaisip sa pagbuhos ng puhunan, kung may mga isyung kinakaharap ang bansa.

Inihayag ni Go na kumpiyansa aniya ang economic team ng administrasyon na kapag naresolba ang mga isyung ito ay ipagpapatuloy pa rin ang kanilang pamumuhunan sa Pilipinas.