Wala na raw magiging sapat na basehan ang mga Katolikong mambabatas upang hindi palusutin ang civil union law para sa mga same-sex couples.
Ito ang naging pahayag ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos ang naging pahayag ni Pope Francis na suportado nito ang pagsasama ng parehas na kasarian.
Ayon sa kalihim, matagal nang sinusuportahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsasama ng mga homosexuals sa bansa.
Subalit nakadepende pa rin daw ito sa magiging prayoridad ng Kongreso.
Ipinagtanggol ng Santo Papa ang karapatan ng mga homosexuals na magkaroon ng sariling pamilya at hindi rin daw dapat ipagtabuyan o kutyain ang mga ito dahil anak pa rin sila ng Diyos.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na direkang pinaburan ng Santo Papa ang same-sex couples.