Sal Panelo
Sec Salvador Panelo/ FB image

Minaliit lamang ng Malacañang ang posibilidad na pag-ban ng Estados Unidos sa mga opisyal ng pamahalaan na umano’y sangkot sa pagkakaditine ni Sen. Leila de Lima.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo na kasama rin sa listahan, hindi raw basta-basta maipatutupad ang probisyon dahil kailang dito ang presentation ng “credible information” sa umano’y maling pagkakaditine ng senadora.

Hindi rin umano nababahala ang Malacanang sa naturang isyu dahil ito raw ang kanilang proseso at hindi dapat manghihimasok dito ang Pilipinas.

Ang pagkakaditine ni De Lima ay kasama sa provisions ng $1.4-trillion 2020 budget ng Estados Unidos na pirmado ni US President Donald Trump noong nakaraang linggo.

Dahil sa probisyon ng naturang budget ay nabigyan ng direktiba si US Secretary of State Mike Pompeo na harangin ang mga Pinoy na government officials na pumnasok sa US kapag mayroon siyang kinalaman sa pagkakaditine ni De Lima.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here