-- Advertisements --
bbm on aff

Nagpaabot nang pagbati si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagkampeon ng Team Filipinas sa 2022 AFF Women’s Championship.

Sa maikling mensahe sa Facebook page ng pangulo, nakasaad dito ang pagpupugay sa aniya ay “historical victory” ng ating pambato sa women’s football, kalakip ang larawan ng mga manlalaro ng koponan.

Maging ang Office of the Press Secretary ay nagparating din ng mainit na pagbati sa ating mga atleta.

Ang mga ito anila ang nagpapakita ng husay at talento ng mga manlalarong Filipino.

Una rito, nakuha ng Filipinas ang kampeonato matapos maka-goal ng tatlong ulit sa AFF Women’s Championship laban sa Thailand.

Ang unang goal ay naipasok ni Jessika Cowart sa pamamagitan ng header sa seventh minute.

Ang ikalawa naman ay naipasok ni Katrina Guillou sa 20th minute ng laro.

Habang ang ikatlo ay naipasok sa 89th minute.

Ginanap ang laban sa Rizal Memorial Stadium sa lungsod ng Maynila.

Sa record ng organizer, pumalo sa mahigit 8,000 ang mga nanood ng final match nitong Linggo ng gabi.