NAGA CITY- Hinikayat ni Governor “Migz” Villafuerte ang lahat ng mamamayan ng Camarines Sur na tigilan ang pagpapalabas ng mga maling impormasyon sa social media.
Ito’y matapos kumpirmahin ng Department of Health (DOH)-Bicol ang kaso ng tatlong nagpositibo sa Coronavirus Desease 2019 (COVID-19) sa lalawigan.
Sa ipinaabot na impormasyon ni Villafuerte, sinabi nito na huwag na sana magpalabas ng mga hindi siguradong impormasyon upang maiwasan ang pag-panic ng mga tao.
Sa ngayon aniya ay manatili na lamang muna sa loob ng bahay upang kahit paano ay malabanan ang nakakamatay na virus.
Samatala, kinumpirma ng lokal na gobyerno ng Lungsod ng Naga na si PH763 na isa sa nagpositibo sa COVID na taga-Camarines Sur ay umuwi pala galing Metro Manila.
Pero pinabulaanan nito ang mga lumalabas na maling impormasyon na kabilang siya sa mga nag-cater sa Legazpi City.