Nanguna ang Manila Cathedral sa paghikayat sa mga Pilipino na makiisa sa nakatakdang pagdarasal ng rosaryo ni Pope Francis sa darating na Sabado, May 30.
Sa kanilang online post, alas-11:30 ng gabi (Philippine time) isasagawa ang “Praying the Rosary” with Pope Francis na live naman doon sa Lourdes Grotto sa Vatican Gardens.
Pareho pa rin ang layunin ng 83-year-old pontiff at ito ay upang hilingin kay Blessed Virgin Mary na matuldukan na ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) pandemic sa iba’t ibang panig ng mundo.
Kung maaalala, March 19 nang magsagawa ang Santo Papa ng “worldwide rosary” para makabuo ng nonstop chain of prayer laban sa deadly virus.
Nabatid na ang Italy ay minsang naging epicenter ng COVID dahil sa dami ng mga biktima roon.
Samantala sa vaticannews, nakasaad na kaisa ng Mahal na Papa ang Marian Shrines sa buong mundo sa naturang May 30 event.