-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nakatakdang isailalim sa Real Time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ang mga local strandees galing Palawan na umuwi sa Iloilo nitong Mayo 21.

Kabilang sa mga umuwi ay mga taga Bacolod City, Negros Occidental, lungsod at lalawigan ng Iloilo kung saan ang mga dumating sa Iloilo City ay kaagad na dinala sa Iloilo Diamond Jubilee Hall ngunit ang iba naman ay dinala sa quarantine facility ng uuwiang bayan.

Inihayag sa Bombo Radyo Iloilo ni Iloilo City Mayor Jerry TreƱas na hindi nakapagsailalim sa COVID-19 test ang mga local strandees kung kaya’t nararapat lamang na magsagawa ng rapid test bago ang RT-PCR test.

Bilang protocol, sasailalim rin sa 14-day quarantine ang mga local strandees at ang mga nagnegatibo sa COVID-19 test ay maaari nang umuwi upang doon ipagpatuloy ang quarantine.