-- Advertisements --

Nakapagtala na ang Phivolcs ng 803 na aftershocks, isang araw matapos ang mapaminsalang 7.0 magnitude na lindol.

Sa nasabing bilang, 163 ang natunton na ang plotted, habang 22 naman ang naramdaman ng mga residente.

Pero babala ni Phivolcs Dir. Renato Solidum, posible pang tumagal ang mga pagyanig hanggang sa susunod na buwan.

Gayunman, mas mahihina na ang mararanasan kumpara sa main quake na 7.0 magnitude.

Pinapayuhan naman ang mga residente sa high risk areas na huwag nang makipagsapalaran para manatili sa kanilang mga bahay, dahil kahit ang mga hindi bumagsak sa inisyal na pagyanig, maaari pa rin itong bumigay kung tuloy-tuloy ang aftershocks.