-- Advertisements --

Dalawang low pressure area (LPA) ang kasalukuyang binabantayan na maaaring magdulot ng pag-ulan at baha sa ilang bahagi ng bansa.

Ang unang LPA ay namataan sa layong 460 km kanluran ng Coron, Palawan.

Ang ikalawa ay nasa 190 km silangan-hilagang silangan ng Juban, Sorsogon.

Patuloy na nakaaapekto ang easterlies sa Northern Luzon, na maaaring magdala ng mainit at maalinsangang panahon, pati na rin ng mga pag-ulan sa hapon o gabi.

Kaugnay nyan, narito ang mga lugar na direktang apektado ng LPA:

Bicol Region
Central Visayas
Eastern Visayas
Aurora
Quezon
Rizal
Bulacan
Nueva Ecija
Quirino
Nueva Vizcaya

Apektado ng trough ng LPA:

Metro Manila
MIMAROPA
Natitirang bahagi ng Central Luzon
Natitirang bahagi ng CALABARZON
Natitirang bahagi ng Visayas

Pinapayuhan ang publiko, lalo na sa mga nabanggit na lugar, na maging alerto sa posibleng pagbaha at pagguho ng lupa.