CAUAYAN CITY- Naitala ngayong araw sa Isabela ang 81 bagong kaso ng COVID-19 habang 51 ang naidagdag sa mga gumaling.
Sa inilabas na abiso ng pamahalaang panlalawigan, pinakamarami pa rin ang Santiago City na may 26, sumunod ang Ramon na may 11, tig-wawalo sa Cabagan at San Mateo, 7 sa Delfin Albano, 4 sa Mallig, tig-tatatlo sa lunsod ng Cauayan, Cordon at Reina Mercedes, dalawa sa Cabatuan habang tig-iisa sa Angadanan, Ilagan City, Burgos, Quezon, San Manuel at Tumauini.
Sa ngayon ay umabot na sa 7,773 ang tinamaan ng COVID-19 sa lalawigan ng Isabela, 6,352 ang gumaling, 1,235 ang aktibong kaso at 146 ang nasawi.
Sa mga aktibong kaso ay dalawa ang Returning Overseas Filipino, labindalawa ang locally stranded individuals, 157 ang Health Workers, tatlumpu’t tatlo ang pulis at 1,031 ang mula sa local transmission.
Muling pinaalalahanan ng pamahalaang panlalawigan ang publiko na sundin ang mga alituntunin at huwag lumabas sa tahanan kung hindi kinakailangan para makaiwas sa virus.