CAUAYAN CITY- Umabot na sa 729 ang naitalang animal bite o human rabies case sa Santiago City mula noong Pebrero hanggang Mayo ngayong taon batay sa talaan ng City Health Office (CHO)
Karaniwan sa mga ipinapasuri sa CHO ay ang taong kinagat ng mga galang aso at karamihang biktima ay mga bata.
Dahil dito, muling nagpaalaala ang City Veterinary Office sa mga mamamayan sa lungsod na pabakunahan ng anti rabbies ang kanilang mga aso.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Dr. Myra Grace Pascual, City Veterinary Officer ng Santiago City, sinabi niya karamihan dahilan ng pagdami ng mga animal bite ay dahil sa mga galang aso.
Nagpaalala siya sa mga may-ari ng aso na itali ang kanilang mga alagang aso upang hindi maka-kagat .
Batau aniya sa ordinance no. 9CC-120 o ang anti rabies ordinance ng Santiago City , nakasaad na bilang pet owner ay dapat na maiparehistro ang kanilang mga alagang hayop sa City Veterinary Office upang maisama sa libreng regular vaccination ang kanilang mga alagang hayop.
Nakasaad sa section 6 ng ordinansa ang pag-atas sa mga opisyal ng barangay sa lunsod na dapat na sila ang manghuli sa mga galang aso o hay